NATAPOS ang check-up ni Bailo, at sinabi ng kanilang OB-GYN doctor na maayos naman ang kapit ng kanilang baby. Ang bilin nito at kainin ang gustong kainin. Basta iwasan lang ang mga softdrinks, sapagkat hindi ito makakabuti. Tulad ng kanilang napagkasunduan ay dumaan sila sa isang street food. magkahawak-kamay ang dalawa habang naghahanap ng may maayos na puwesto at malinis. "Halika ka dito, Bai." Hinila niya ang asawa at umupo sila sa isang bakanteng lamesa na may dalawang upuan. "Good morning, ma'am, sir!" bati ng tindero. "Morning!" nakangiting tugon ni Bailo. "Bai, anong gusto mong kainin?" tanong ng asawa. "Kwek-Kwek at isaw." tugon nito na ang kaniyang mga mata ay nasa paligid. Isang lalaki ang kaniyang napansin na tumitingin ito sa kabilang dako na tila nagsenyas ito.