Pagkatapos maihatid ni Shy si Trina sa ibang guestroom ay binalikan niya si Knight. "Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang hatiran kita rito ng pagkain?" "Baby, please lock the door." Nagtataka man ay sinunod niya Knight. "Can you help me? I want o take a bath." "S-sure." Kabado si Shy. Ang tagal na kasi mula nang huli niyang makita ang buong katawan nito. Halos isang taon at kalahati na at nakaramdam siya ng hiya. Malakas din ang t***k ng puso aniya t may kahalong pananabik ‘yon. Inalalayan niya si Knight papasok sa loob ng banyo. Inisa-isang hinubad niya ang damit nito at nanginginig ang kamay niya. "What's wrong?" "W-wala." Namumula ang mukha niya at hindi malaman kung iiwas. Iniangat ni Knight ang mukha niya gamit ang daliri nito. "Look at me, Shyramae. Natatakot ka pa rin ba s