Panay ang tawag ni Gabriel sa kaibigang si Renz. Alam niyang nasa US pa rin ito mula nang bawiin nila ang anak ni Shy sa mansyon ni Knight. Hindi pa ito nakakabalik ng France. Ganoon pa man ay kanina pa niya ito kinu-contact pero naka-out ang phone nito. Posible kayang nagkasalisi sila sa himpapawid? Kailangan pa naman niya ang kaibigan para sa paghahanap sa kapatid ni Knight. Ilan pang tawag ang ginawa niya sa mga kasapi ng intelligence group na dating kasamahan niya sa training. Humingi siya ng assitance at ipinadala na rin niya ang info ni Trina. Tumuloy siya sa mansyon Gonzalez at pinakita niya ang temporary ID na may co-signiture ni Knight. Agad naman siyang pinapasok ng mga guards. Ilang maid ang inabutan niya roon kasama ang may edad na babae. Agad na namukhaan siya nito at kinaus