Lumapag sa rooftop ng mansyon ang chopper na sinasakyan nina Knight at Gabriel. Kanina pa niya natawagan ang family doctor kaya naman pagbaba nila ay naghihintay na ito. "Kuya, bakit iniuwi muna si Knight? Pinayagan na ba ng doktor?" "Mamaya na tayo mag-usap, princess. Kailangang makabitan agad ng dextrose si Knight. Dinala ni Gabriel ang binata sa guest room at agad naman itong inasikaso ng doktor. Ilang minuto ring sinuri ng manggagamot ang kalagayan nito. Nang masigurong ayos naman ito ay nagpaalam na ang doktor. Naiwan silang tatlo at agad na ginagap ni Shy ang kamay ng binata. Naiiyak siya sa nakikitang panghihina nito. "May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala na siya dahil sa pananahimik nito. "Baby, maayos ako medyo napagod lang siguro kaya ako nagkaganito. Huwag kang masyadong nag