“Princess, I'm sorry.." "Bakit, kuya? May nangyari ba kay Knight?" "Kakatapos lang ng surgery, but he is stable now. Kaya ngayon lang ako nakauwi." "Kuya, I want to see him." "Sige, princess. Maghanda ka na at ihahatid kita roon." "No, kuya. You need to rest. Magpapahatid nalang ako sa driver." "Sige, ikaw ang bahala." Nang umakyat sa kwarto ang dalaga ay tinawagan ni Gabriel ang mga bodyguard ng kapatid. "Make sure na hindi mawawala sa paningin ninyo ang kapatid ko. Huwag na huwag ninyong hahayaang may makalapit sa kanya. "Yes, sir," agad na sagot ng mga ito. Hindi muna umakyat si Gabriel sa kwarto niya at hinintay ang pagbaba ng kapatid. "Kuya, aalis na ako.” Humalik si Shy sa pisngi ng kanyang kuya. "Take care, princess." "I will, kuya. Bye." Pagkatapos umalis ni Shy ay