"Kuya, doon na muna ako sa private island natin. I hope na walang makakaalam, kahit ang asawa mo." "Ilang buwan na lang ay manganganak ka na. Sinong makakasama mo roon?" nag-aalalang tanong ni Knight. "I can manage, kuya. Bukas na ang flight ko. Ayaw ko sanang ipaalam sa'yo ito, pero alam kong mag-aalala ka. Pakiusap huwag na huwag mong ipapaalam sa asawa mo kung nasaan ako. Gusto kong doon palakihin ang anak ko." Tango na lang ang naisagot niya sa kapatid. Kinabukasan ay maagang lumipad si Trina. BRAZIL, CASA BLANCA GONZALEZ PRIVATE ISLAND. Nakatanaw sa papalubog na araw si Trina. "Sisiguraduhin kong hinding-hindi mo makikilala ang anak ko!" Patuloy ang pag-agos ng luha ng dalaga. "I hate you, Gabriel Jones! Hinding-hindi ka kikilalanin ng anak ko!" Sa mansyon ay tanong nang tanon