Pagbukas ng pinto ay dalawang batang nakasimangot ang nabungaran ni Knight. Ganoon pa man ay biglang nagbago ang ekspresyon ni Syros. "D- Daddy?" mahina lang pagkabanggit ni Syros. Subalit si Syzen ay nanatiling nakatingin sa kanya nang masama. "Sino ka bakit nandito ka sa kwarto ng mommy namin?" si Syzen. "Baby brother, siya si Daddy!" sagot ni Syros sa kapatid pero walang narinig si Syzen. "Bakit ngayon ka lang nagpakita kung daddy ka namin?" Inismiran siya ni Syzen at saka ito dumiretso sa nakahigang ina. "Mommy, may sakit ka po ba? Sabi ni grandpa galing kayo sa hospital." "Okay na ako, anak. Nahilo lang si mommy." "Grandpa said, we’re about to have baby sister. Nasaan po siya?" inosente'ng tanong ulit nito. "Dito, anak. Sa tiyan ni Mommy." "Wow! Talaga po? Kai