Nagising si Shy sa ingay ng mga boses. "All these years, nagdusa ang anak ko dahil sinisi niya ang sarili sa pagkamatay mo. Halos pati buhay niya ay isuko niya para lang makabayad ng kasalanan sa pagkamatay mo. May mga anak siya kaya pinilit niyang mabuhay. Tatlong taon mong pinaniwala ang aking anak na patay ka na. Sa mga panahong iyon ay araw-araw na naging miserable ang buhay niya. Ngayon bigla kang magpapakita sa kanya para sabihin na kukunin mo silang mag iina? Wala akong hinangad para sa anak at mga apo ko kung hindi ang maging masaya sila na kasama ka. Noong mga panahon na halos patayin mo na si Shy, kung naalala mo pa ‘yon. Iyong pinirmahan mo sa korte, walang kinalaman ang anak ko roon. Ginawa ko iyon para hindi ka makulong dahil alam kong iyon din ang gusto ng anak ko. Binigya