Mula nang madukot si Shy ng hindi nakilalang lalaki at pinilit na lang niyang kalimutan ang lahat. Pagod na siya sa napakaraming eskandalo ng buhay niya. Inilihim na lang niya sa ama at kapatid ang pangyayaring iyon. Ang ipinagtataka niya nang malala ay kung bakit parang kilala yata ng lalaking iyon ang kanyang pamilya. Ayon sa kanyang ama ay may nagmensahe raw dito na mag-i-stay siya sa bahay ng isang kaibigan. Dalawang linggo raw siyang magbabakasyon kaya huwag na siyang tatawagan. Sigurado siya na hindi niya kilala ang nagpadala ng mensahe sa papa niya. Kaya lang ay nagkakapagtaka rin na hindi kwinestiyon ng kanyang ama o kuya iyon, kayahindi na siya hinanap ng mga ito. Mula noon ay sinikap niyang ibalik sa normal ang lahat. Naging busy na uli siya sa kumpanya hanggang makatanggap siya