Mamayang gabi na ang engagement party pero hindi pa rin kinakausap ni Shy si Knight. Bahala na. Basta itutuloy niya ang party. Kung sakaling hindi siya tanggapin o sisiputin ni Shy at tatanggapin niya— kahit pa nga magiging napakasakit niyon. "Knight, itutuloy mo pa ba?" tanong ng ama ni Shy. "Yes, po. Tatanggapin ko naman kahit anong maging sagot ni Shy,” malungkot na pahayag ni Knight. "Maari namang reschedule mo na lang," agad na mungkahi ng matanda. "Hindi ko magagawa ‘yon. Matagal ko na pong pinaghandaan ito. Kung ano man ang magiging disisyon ni Shyramae ay maluwag kong tatanggapin." Hindi na rin nagsayang pa ng oras si Knight. Alam naman niyang hindi na magbabago pa ang binitiwang salita ni Shyramae. Hihintayin na lang niya ang oras, tahimik na nakatayo siya sa gilid ng pool h