NAGISING akong wala na akong katabi, wala na si daddy Ukyo at kuya Orion sa tabi ko na ganoʼng katabi ko silang natulog kagabi. Nag-request si kuya Orion na tabi-tabi ulit kaming matulog na tatlo. Naningkit ang mga mata ko sa paligid. Bakit hindi ko naramdaman na bumangon na ang dalawang iyon? Mukhang nagiging atukin lang talaga ako simula nang malaman kong buntis ako. “Baby, nakita mo ba sina daddy and kuya Orion? Iniwan tayong dalawa rito sa bed. Bad silang dalawa,” kausap ko sa aking baby. “By the way, good morning po. Kapit ka lang kay mommy, okay? Aalagaan ka namin habang buhay.” Hinaplos ko pa ang aking tiyan at tumayo na rin sa kama. Lumakad ako papunta sa bathroom at saka na rin naligo. Hindi ko na rin talaga naalis ang ganitong habit ko, pagkagising ay maliligo agad. Mabilis

