ALAS-OTSO naʼng gabi nandito pa rin kaming lahat sa amusement park na ni-rent ni daddy Ukyo. Nakasakay na rin pala ako na apat na rides pero sila kuya Deb ay grabe halos lahat yata ay sinakyan nila habang kasama si kuya Orion. “Mommy, come on. Need mo nang magpahinga. Hayaan mo si Orion sa kanila. May kinuha akong hotel room na malapit dito kaya roon sila pupunta pagkatapos nilang sumakay sa mga rides na nandito. Mahamog na rin, bawal sa iyo ang mahamugan,” bulong ni daddy Ukyo sa akin at hinaplos ang aking tiyan. Tumango ako sa kanya at sinabihan niya si Francois. “Bantayan niyo si Orion. Ihahatid ko na si Quence sa hotel room namin. Matulog na rin kayo, ibigay mo ang keycard sa kanila.” Narinig kong sabi ni daddy Ukyo kay Sir Francois. “Masusunod po, Master Silvestre. Kami na bahala k

