18 WEEKS na ang pinagbubuntis ko. Isang linggo na rin kaming kasal ni daddy Ukyo, hindi pa rin ako makapaniwalang Mrs. Silvestre na talaga ako. No more contract or what-so-ever. Legal kaming dalawa. Ang daming nangyari after ng wedding namin. Si Angelica na umiiyak habang naka-video call kami sa simbahan at sa reception. Kahit daw sa video call lang niya napanood ay sobrang saya niya pa rin para sa kasal ko. Si kuya Deb ang nakapulot ng aking sinuot sa legs ko and si ate Lisa ang nakasalo ng wedding bouquet ko, kaya inaasar na sila ni Chef Trevor nang araw na iyon. Wala naman tutol sina Sir Frank and Miss Trinity, si Sir Francois ang tumututol sa dalawa. Kaya sobrang saya ng reception namin. Ang dami pang nangyari sa nakalipas na araw at lahat ng iyon ay puro positive lalo na sa busines

