ANG BILIS ng takbo nang kamay ng orasan. Sa isang kisap-mata, bukas ay kasal na namin ni daddy Ukyo. Hindi ako makapaniwalang ang bilis ng araw parang kailan lamang ay kadarating lang namin dito sa France, ngayon ay isang buwan na rin kaming naka-stay rito. Malapit na rin namin malaman ang gender ni baby, bean nga ba siya or feather. Pagkatapos ng kasal ay malalaman na namin. “Besh, ikakasal ka na bukas! Naiinggit ako kina Liana and Aurelia na nandʼyan para manood ng kasal mo! Pero, mabuti na lamang ay iba dʼyan ang kasal. Walang abay!” malakas na tawa ni Angelica. Minsan na babaliw na rin ang isang ito. Ganito siguro kapag walang jowa, ano? “Mayroʼn pa ring abay, Angelica, pero hindi marami. Kaya ang abay ko rito ay dalawa lamang sina ate Lisa and Faith lang ang isasali ko ang maid of

