DUMATING kami sa France bandang hapon na rito sa oras nila. Sinundo kami nina tita Kiya and tito Alejandro, kasama si ate Viviane at isang lalaki sa gilid niya. “It's uncle Visho, mommy.” bulong ni daddy Ukyo sa akin at tinuro niya ang lalaking ansa gilid ni ate Viviane. “Dad ni Viviane. Huwag lang mag-alala, mabait niyang si uncle Visho.” Tumango ako sa kanyang sinabi at lumakad na kami palapit sa kanila. “Hello, Quence, Iha! Finally na meet na rin kita! How are you? Kumusta ang byahe papunta rito? May jetlag ka ba?” sunod-sunod na tanong ni tita Kiya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Um, hindi naman po, tita Kiya. Buong byahe po ay tulog ako and kumain lang din po roon. Kaya hindi po ako masyadong napagod. Pero, sa jetlag po? Baka maramdaman ko rin po iyon lalo naʼt mag-a-adjust po kami

