NAKATINGIN ako sa buong lugar ng pool area. Para na naman bago sa paningin ko ang lugar dahil sa galing na ginawang decoration nila ate Lisa. Napuno ang pool na white balloons at mayroʼn din dito sa may dinadaanan namin. Ang design naman ay naglalaro sa white, baby pink and baby blue na color, may nakalagay roon na Advance Celebration sa Opening ng Orionʼs Haven. Lahat ay sobrang maayos sa aking paningin. “Miss Quence, iyong kaibigan niyo po dumating na. Nasa living room po siya ngayon.” Napatingin ako kay ate Ruth nang sabihin niya iyon sa akin. Tumango ako sa kanya at iniwan ko muna si Orion. Nag-e-enjoy siyang sipain ang balloons nakakalat. Nandito rin naman si daddy Ukyo dahil inaasikaso nila ang projector kung saan magbi-video call kami with Tita Kiya, tito Alejandro and ate Vivia

