NAPATINGIN ako kay daddy Ukyo, nakita kong nakatingin din pala siya sa akin. Tinanguan ko siya para senyasan na umpisa na namin ang party. Kumpleto na rin kaming lahat, nasa projector na rin sina tita Kiya, tito Alejandro and ate Viviane na nagtataka kung bakit may ganitong party ngayong araw. Kinakabahan na rin ako dahil sasabihin na namin sa kanila na seven weeks na akong buntis. “Hello everyone! Lahat kayo ay naguguluhan kung bakit may party akong ginanap ngayong araw kahit bukas ay opening ng business ni Quence, ang Orionʼs Haven: Team Pogi na may Shades... Nalaman namin kahapon ang result sa isinigawang blood and laboratory test kay Quence noong July 16...” “Blood and laboratory test? May sakit ka?” pagtatanong ni Angelica sa akin. Ngumiting umiling ako sa kanya. “Malinis ang kany

