MISTER UKYO BAGO ako lumabas ay napatingin ako sa tatlong kasama nina mommy and Viviane. “Austin, Deb and Nieva, pʼwede na kayong maiwan muna rito.” sabi ko sa kanila at tumingin ako sa likod. “Felipe, ang mga baril handa na ba?” pagtatanong ko sa kaya. Tinanguan niya ako. “Nasa kotse na ang lahat, Master Silvestre.” Tumango ako sa kanyang sinabi at lalabas na sana kami nang pigilan ako ng tatlo. “Sasama kami, Master Silvestre. Hindi kami mapapakali rito sa loob ng mansion habang nasa labas kayo at hinahanap ang mga nag-ambush sa amin. Wala rin kaming malubhang sugat na natamo kanina, Master Silvestre. Kaya hayaan niyo kaming sumama sa inyo.” seryosong sabi ni Deb sa akin habang nakipagtitigan din ang dalawa, sina Austin and Nieva. “Tsk! Kapag ganitong sitwasyon gustong-gusto niyong m

