MISTER UKYO NAPATINGIN ako sa side ni Francois nang marinig ko ang pag-ring ng kanyang phone. Baka another call na naman niyan for meeting. Ang tagal nila mommy. Almost twenty minutes na lamang before three in the afternoon. Gusto kong tawagan muli siya pero baka magalit na siya sa amin, at sabihan kaming hindi makapaghintay. Tiisin ko na lamang ang pagngungulila ko sa kanya. Uuwi na rin naman siya. “What? Anong location niyo?” Nagulat akong napatingin kay Francois nang sumigaw siya nang malakas. Nakatingin na rin siya sa akin ngayon at parang may pinahihiwatig. “Copy, Deb. Papunta na kami ngayon nila Master Silvestre,” madiin niyang sabi at binaba ang tawag. “Anong mayroʼn, Francois?” pagtatanong ko sa kanya. “Master Silvestre, naka-receive ako ng call mula kay Deb... Inambush si

