“Miss Quence, pasensya na sa istorbo, tumawag po si Master Silvestre kung uuwi na raw po ba kayo?” Napatingin ako kay kuya Deb nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ako makapaniwala kay daddy Ukyo, halos apat limang oras pa lamang akong nawawala sa mansion kung maghanap sa akin ay parang isang araw na akong wala. Narinig kami ni kuya Deb nang malakas na pagtawa at nakita namin si ate Viviane na tumatawa sa tabi ko ngayon. “Hindi pa rin... Nagbabago si Ukyo...” natatawang sabi niya. Napangiti na lamang ako sa kanya at tumingin kay kuya Deb. “Pakisabi na lang po ay pauwi na rin po tayo,” sabi ko sa kanya. “Naku, Quence, kapag niyang si Ukyo ay naging ganyan pabayaan mo. Minsan ka lang naman lumabas at anong akala niya ibang tao ang kasama mo ngayon? Aish, isusumbong ko siya kay tita Kiya

