NASA tapat na ako ng office room ni daddy Ukyo. Hindi na ako kumatok at binuksan ko na lamang ang pinto, napangisi ako nang makita ko si daddy Ukyo na na nakaupo sa sofa. “Ang tagal mo, mommy,” seryosong sabi niya sa akin. Napailing na lamang ako sa kanya. “Pinilit ko pa pong mag-stay si Sir Francois sa baba para may kalaro si Orion,” sabi ko sa kanya naupo sa tabi niya. Pagkaupo ko pa lamang sa tabi niya ay hinalikan niya ako sa aking labi. “I love you, mommy.” Napangiti na lamang ako sa kanya. Sobrang sweet at clingy niya kapag kaming dalawa lamang, pero sobrang seryoso niya at possessive naman niya kapag maraming tao. “Pag-uusapan daw natin ang Orionʼs Haven, Mister Ukyo? Patapos na po ba ang shop sa SM Fairview?” pagtatanong ko sa kanya at nakita kong may tatlong folder na nandit

