NAPAAYOS na akong tumayo nang makita maglalakad na sila palabas ng simbahan. “Batiin mo na sila, Quence! Bi-video-han ko ang paghaharap niyong tatlo!” saad ni Liana sa akin kaya tinanguan ko siya. Malaki ang aking ngiti nang makitang malapit na sila sa akin hanggang nakapunta na sila sa harapan ko. Kumakaway-kaway pa sila hanggang mapatingin na sila sa pʼwesto ko. Malaki ang aking ngiti nang mapatingin sila sa akin. Ang kanilang ngiti naman ay biglang nawala, parang natutunaw nang makita nila ako. Ganyan nga matakot kayo. “Hello, Patricia and Giovanni! Congratulations sa wedding niyo!” malakas na sabi ko sa kanila habang may malaking ngiti sa labi ko. Nakita ko ang gulat at takot sa mga mukha ni Patricia nang makita ako. Mukhang inaasahan niyang patay na ako dahil halos isang taon

