HUMINGA akong malalim at muling kumain lamang kahit maging sina Liana and Angelica ay bumalik sa pagkain. Patuloy pa rin kami sa pagkain hanggang dumilim ang paligid namin dito sa aming table. Nakaramdam ako ng senyas ni Liana sa akin. Napailingon ako nang may humawak sa aking kanang balikat. “Bakit nandito ka?” Napangisi ako nang makita ang mukha ni Patricia na irita sa akin. “Hampas lupa, bakit nandito ka, ha?” Si mommy naman ngayon ang nagsalita. Napataas ang tingin ko nang makita ko si mommy at si tita Bianca, ang mommy ni Giovanni. Pareho silang nakataas ang kilay sa akin. Nasa harapan nila si Patricia na hindi na talaga maipinta ang mukha. “Um, excuse me? Bisita rin po ako. May hawak akong invitation,” nakangiting sabi ko sa kanila. Kinuha ko ang invitation ko sa aking sling bag

