NAKABALIK na kami sa mansion pagkatapos naming ihatid si Angelica sa tapat ng subdivision nila. Nakita ko nga ang pag-aalala ni Angelica nang ihatid ko siya sa kanila kanina. Alam ko naman ay nag-aalala pa rin siya sa akin kahit bindi naman na dapat. Kaya ko naman na ang sarili ko at alam ko na rin kung paano lumaban sa kanila, hindi na ako katulad ng dati na takot at duwag. Huminto na ang sinasakyan naming kotse, nakita ko na ring nasa tapat na kami ng mansion. Huminga akong malalim at hinawakan ang aking pisngi, hindi naman siguro mahahalata ni daddy Ukyo ang pagkasampal sa akin, right? “Kuya Deb, huwag mo na lang sabihin kay Ukyo na sinampal ako, ha? Paniguradong tatanggalin niya agad ang mga Angeles sa company niya. Gusto ko pa silang inisin,” sabi ko sa kanya. “Narinig mo rin po ba

