“Kay Patricia ang boses na iyon,” saad ko nang mapakinggan ang isang salitang narinig namin. Tumahimik kaming tatlo at hinihintay na sunod na maririnig sa may recording device na nilagay ni kuya Deb. Kanina kaya niya nailagay ang recording device, nakalimutan kong itanong. “Patricia, calm down, okay! Hindi ka nakakatulong sa pagplano na ginagawa ko!” Si mommy. “f**k them!” madiin na sabi ni daddy Ukyo. Pinakinggan namin ang mga boses sa sound recording na nilagay ni kuya Deb. Mga boses dahil mahigit sa dalawang boses ang naririnig namin ngayon. “Mom, what we gonna do, ha? Did you see the face of that b***h, ha? I thought she gonna be defrost!” Nangunot ang noo ko sa English ni Patricia. Malakas ang kutob kong siya iyon. English pa lang niya pamatay na. Defrost? Ano ako isda na galing

