GULAT akong napatingin sa kanya. Natatandaan nga niya ang nangyari sa aming dalawa nang gabing lasing siya. Akala ko talaga ay hindi na naman niya naaalala. Babayagan ko na sana siya. Hello, siya lang naman ang naka-pisa sa cherry kong fresh, ano! Tinuro ko ang aking sarili. “Ako pa ang umiiwas? Ikaw po itong umiiwas sa akin. Two days na po kayong hindi sumasabay sa pagkain namin ni Orion. Kaya bakit ako iyong sinisisi mo? Ikaw kaya iyon! At, naalala mong may nangyari sa atin, ha?” nakangising sabi ko sa kanya. Lumakad siya papunta sa akin at inilang hakbang niya ako. Hinuli niya ang kamay ko at sinandal ako sa pader ng theater room. “Yes, naiilang ako kapag malapit sa iyo. Nararamdaman kong tumatayo ang aking p*********i kapag malapit ka. Kaya iniiwasan kita.” madiin niyang sabi sa ak

