Napabalikwas ako ng bangon. "Dos... baka hindi magkasya sa akin 'yan," kinakabahan kong sabi. May pag-aalangan na lumapit si Dos pabalik sa kama. Magkahugpong ang aming mata hanggang sa sumampa siya sa kama. "Is this your first, babe?" tanong niya sa akin nang makasampa na uli siya sa kama ko. Mahina akong tumango. Malapad namang ngumiti si Dos. "Really, babe? Walang nangyari sa inyo ni lampa?" Inirapan ko siya. Kailan ba niya tatawagin si Pablo sa tamang pangalan niya? ''Wow! I'm so lucky!" Niyakap pa niya ako sa sobrang tuwa niya. Humiwalay siya sa akin, at saka tiningnan uli ako. Malapad pa rin ang kanyang ngiti. Iyong ngiting tagumpay ba. "I will never forget this, Jazz. I will never forget this as long as I live." Hinalikan ako ni Dos nang buong pagmamahal. Maiksi lang a