"Tara na, babe," pag-aya sa akin ni Dos. Paano, hindi ako makalabas sa kuwarto niya. Nahihiya ako kay Lola Cion. "Kasi naman! Hindi ka mapahinto. Kinakatok na nga tayo ni Lola, eh," himutok ko kay Dos. Ngumiti lang si Dos sa sinabi ko na para bang balewala lang ang nangyari, habang ako, hindi ko na alam paano ko pakikiharapan si Lola Cion. Although alam naman ni Lola Cion ang relasyon namin ni Dos, at aprubado naman sa kanya ito noon pa, nakakahiya pa rin na malagay ako sa ganung sitwasyon. "Babe, wala lang kay Lola 'yun..." pagmamalaki pa ni Dos, kaya inirapan ko siya. "Anong wala? Upakan na kita diyan, eh!" "Mamaya na tayo mag-upakan uli, babe. Hinihintay na tayo ni Lola sa labas." Nung una ay hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ni Dos, pero base sa klase ng ngiti niya n