Dumerecho kami ni Thirdy sa opisina ng mga kaibigan ko. Bumili na kami ng pagkain para sa aming lahat. Pagkatapos ng mainit na tagpo ko sa bahay ng mga magulang ko, I want to breathe some fresh air at ayoko ring mapag-isa sa condo. Kung ano-ano lang ang tatakbo sa isip ko. Mabuti na iyong tumambay na lang muna ako sa mga kaibigan ko. Isa pa, kanina pa ako kinukumbinsi ni Thirdy na ipakilala na namin ngayon si Marthina sa mga magulang niya. Baka raw sakaling kapag nalaman nila na may anak kami ni Dos ay tulungan pa ako ng mga ito na kumbinsihin si Dos. Nagdadalawang-isip ako sa suggestion ni Thirdy. Baka kasi lalo lang magalit si Dos sa akin. Hindi imposibleng mag-demand ang mga magulang ni Dos na pakasalan ako dahil kay Marthina. Idagdag pa si Lola Cion. Ayoko namang sapilitang gawin n