Inihinto ni Thirdy ang sasakyan niya sa tapat ng pamilyar na gate. Pagkatapos ay nilingon niya ako. "Dito ba?" Tumango ako, kahit hindi naman nakikita ni Thirdy dahil sa gate sa labas ng bintana siya nakatingin. "Oo," pahabol na sagot ko. "Are you sure with this?" tanong niya sa akin. Sa likuran kasi kami nakaupo ni Marthina. Tumango uli ako. "Mabuti na rin iyong alam nila ang tungkol kay Marthina. Ayokong isipin nila na gumagawa ka lang ng kuwento pagdating ng panahon, kapag ikaw na ang legal guardian ni Marthina." Yes. Napagdesisyunan ko na si Thirdy ang gawing legal guardian ni Marthina kung sakaling bawian na ako ng buhay at menor de edad pa siya, Tutal naman ay hindi ko makausap si Dos tungkol kay Marthina. Iniisip siguro ni Dos na hadlang ako sa kanya at sa kanyang fiancee.