CHAPTER 33 - WHAT A BEAUTY

2322 Words

"Jazz." "Unghh..." "Huy, Jazz!" Tama ba ang naririnig ko? May tumatawag sa akin na boses lalaki? Lalaki? May lalaki sa kuwarto ko? Agad akong napabalikwas ng bangon, para lang makita ko ang nakangising si Dos sa gilid ng kama ko, habang nakapameywang pang nakatayo doon at nakatingin sa akin. Mabilis kong kinurot ang braso ko. Baka naman namamalikmata lang ako o nananaginip lang pala ako. Pero hindi, nasaktan ako sa ginawa ko, kaya proven na nandito nga si Dos in flesh and blood. "A-Ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" Napaatras pa ako sa headboard ng kama ko. "May-- May binabalak ka bang gawing masama sa akin?" Agad kong naisip na itaas sa tapat ng dibdib ko ang makapal na kumot na nakabalot sa beywang ko pababa. Wala nga pala akong suot na bra, dahil hindi ko ugaling mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD