"Hay, salamat iho... at nakarating ako nang buo dito sa bahay ko," komento ni Lola Martha habang inaalalayan siya ni Dos na bumaba mula sa sasakyan namin. "Grabe si Lola! So, kapag ako ang ang nag-drive hindi ka safe?" nakasimangot na tanong ko. "Ano pa nga ba?" nang-iinis na sagot ni Lola Martha sa akin. "Hmp! Grabe siya sa akin." "You're so kaskasero kasi, apo. Kababae mong tao. Oh, siya. Samahan mo muna dito si Dos, habang hinihintay niya 'yung sundo niya," utos pa sa akin ni Lola. "Ha? Malaki na 'yan, 'La! Hindi naman 'yan mawawala dito sa bakuran natin," pag-angal ko pa. "Tss! Basta. Entertain-in mo muna si Dos diyan. Period! Bye!" sabi ni Lola, sabay martsa paakyat sa apat na baitang naming hagdanan. Grabe si Lola! Obvious na obvious na inirereto ako kay Dos! Gusto ko sanan