Dumerecho ako ng upo, at saka hinimas-himas ang tiyan ko. Sobrang busog ko. Ngayon na lang uli ako nakakain ng mga lutong bahay na ulam mula nang umalis ako sa bahay namin sa San Clemente. "Nabusog ka ba, Jazz?" tanong ni Lola Cion, na bahagyang nakapagpagulat sa akin. Nilingon ko si Lola Cion, at saka nginitian siya. "Ay, Lola Cion. Hindi po ako nabusog. Busog na busog! Grabe! Lalo na po 'yung Hardinero-- ay, ano ba? Hardinera? Ay! Bet na bet ko, 'La!" Malapad naman akong nginitian ni Lola Cion. "Pareho pala kayo ng apo kong si Dos. Iyan din ang paborito niya sa mga inihahanda kong pagkain sa kanya kapag pumupunta siya dito sa akin." Hindi ko napigilang mapatingin kay Dos. Bahagya niyang pinapagalaw ang basong hawak niiya, dahilan para umikot-ikot ang kaunting tubig na nasa loob