"Ay naku! Ikaw nang bahala riyan! Diskarte mo na 'yan! Tara nang kumain, Concepcion! Iinom pa ako ng mga gamot ko. Mawawala sa oras," sabi ni Lola Martha, at saka nagpatiuna nang maglakad. Walang imik na sumunod naman sa kanya si Lola Cion, na kanina lang ay magkaaway silang dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Dos dito sa sala. Nakangiti siya sa akin, kaya inirapan ko siya nang matalim. Humakbang na ako para sumunod kina Lola Martha at Lola Cion, pero biglang inihinarang ni Dos ang katawan niya sa dadaanan ko nang nasa tapat na niya ako. At dahil may pagka-malapad ang katawan ni Dos, kaya harang na harang niya ako "Alis," walang emosyon na utos ko sa kanya, pagkatapos ay yumuko ako. Hindi ko siya kayang tingnan. May kung ano kay Dos na hindi ko maintindihan, kaya hindi ko siya matingnan.