“What??? No! No-no-no-no-no-no.” Humalukipkip ako, at saka pumikit. Ayaw kong makita ang nagpapaawang mga mukha ng mga kaibigan ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin. Base sa pabangong naamoy ko, si Ricky itong nasa harapan ko. “Jazz… sige na." Naramdaman ko ang pagluhod ni Ricky. "Para ‘yun lang naman ang request ni Dos, pagbigyan mo na.” Bigla akong nagdilat ng mga mata, para sagutin siya. Pero naunahan akong magsalita ng bastos at mayabang na si Dos Pierro. “Excuse me, Ricks. Let me correct. Si Mommy ang may request nun, not me.” Binalingan ako nito ng tingin. “Baka akalain ni Miss Villafuerte, ako ang may gustong marinig ang boses niya.” Bahagya pa itong umirap sa akin. Inirapan ko uli siya. Wish ko lang nakamamatay ang pag-irap para matuluyan na itong bastos na lalaki na ‘t