Dalawang buwan na ang nakakalipas mula noong kasal ni Angelica at Pablo. Wala rin akong balita na sa kanila, dahil pinutol ko na ang anumang komunikasyon ko sa kanila. Ayoko nang madagdagan pa ang gagawing pahirap ni Angelica at Papa sa akin. Nakakahiya na sa mga kaibigan ko. Bagaman naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko, pero ayokong nadadamay pa sila sa stress ng pamilya namin. Unang project namin iyong kasal ni Angelica at Pablo, hopefully, iyon na rin ang huli. Hindi na rin naman pumunta pa si Papa dito sa munting opisina namin. Pwede rin namang sa sobrang galit sa akin ni Papa ay ayaw na niya akong makita uli. Mas possible iyon. Pero sa tagal ko nang kilala si Papa, kahit gaano siya kagalit sa akin, pero kapag may inungot na pabor si Angelica, hindi pwedeng hindi niya ako kakaus