Pero kulang yata ang dasal na inusal ko sa Diyos. Kasi habang palapit nang palapit ang pamilyar na bulto na iyon, at naglalakad siya papunta sa mas maliwanag na area ay unti-unti ko nang nakikita ngayon ang kanyang mukha. Ayun siya. Walang duda. Siguradong-sigurado ako. Si Governor Agustin Villafuerte. Mabagal siyang naglalakad, habang matiim na nakatingin sa akin dito sa stage. Hindi niya ako hinihiwalayan ng tingin habang naglalakad. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang eksena noong kasal mi Angelica. Ganito rin 'yun. Nung tumakas ako sa simbahan at nasukol niya ako sa parking. Mabuti na lang at nandoon si Dos. Pero nandito uli si Dos sa tabi ko? Itatakas ba niya uli ako kay Papa? Nakakahiya! May event silang pamilya ngayon. Parang hindi ko yata maaatim na agawin si Dos sa importanten