CHAPTER 25 - ANG BISITA PART 2

2000 Words

Nilingon ko ang lider ng bodyguards, para maiwasan kong tumingin kay Dos. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam na bumabait ako sa kanya. Sabi nga niya, kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa party na ito ngayon, at hindi kami magkikita ng pamilya ko na itinakwil ko na. Kasalanan niya ‘to! “Tara na po kay Gov, Miss Jazz. Sige po, Mr. Pierro. Pwede kang sumama sa amin pero sana wala ka pong gagawin na ikakagulo dito,” sabi sa amin ng lider. Si Dos pa talaga ang manggugulo sa sarili nilang party? Baka si Gov pa ang manggulo! Silang dalawa ni Angelica. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Gov at ang pamilya niya sa isang mesa doon sa party. Nakapaharap si Gov sa gawi namin kaya kitang-kita niya ang mga parating sa mesa nila. Si Mama naman ay nasa tabi niya, at nakatalikod sa direksiyon ko. Sa kabilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD