Tahimik lang si Dos sa biyahe namin pagkaalis namin sa munisipyo ng Zaragoza. Nawala iyong madaldal at mapang-asar na Dos. Hindi rin ito tumitingin sa gawi ko. Kanina ko pa siya hinuhuli kung tumitingin siya sa akin, pero tigas ng leeg niya na sa harap lang ang tingin. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. "Saan tayo pupunta, Pierro?" basag ko sa katahimikan. Hindi siya sumagot agad, taliwas sa nakasanayan kong Dos na laging may sagot sa bawat tanong ko. Tila iniisip niya muna ang isasagot niya sa tanong ko. "Um... ikaw. Gusto mo bang umuwi na?" "Sabi mo kanina, ipapasyal mo pa ako dito sa Zaragoza? Ano'ng nangyari?" may halong panunuksong sagot ko. Nakita kong lumunok siya nang malaki. Kitang-kita ko ang paghagod ng adam's apple sa leeg niya. Ang sexy! "Baka kasi... baka pagod