"Puno ang weekends natin this month," komento ni Yanna. "Ganyan din last month," sambot ni Vanilla. "Thanks to Mayor Nissin, marami siyang referrals sa atin," masaya namang sabi ni Ricky, pero kay Yanna nakatingin. Patay-malisya naman si Yanna, na hindi pinansin ang pasaring ni Ricky sa kanya. Siniko ako ni Ricky, at saka inginuso ang nakayuko pa rin na si Yanna, Napangiti ako. Nahahalata ko rin na may kung ano sa kanilang dalawa ni Nissin. Todo tanggi naman siya kapag tinutukso namin siya sa lalaki. Kapag silangg dalawa naman ang magka-usap ay wala silang matinong usapan at para rin silang aso't pusa, parang kami lang noon ni Dos. "Lubayan n'yo na 'yang si Yanna. Baka bigla na lang mag-Incredible Hulk 'yan," pagtatanggol ko kay Yanna. Impit na nagtawanan lang sila Vanilla at Rick