Ito na yata ang pinakamalaking handaan at pinakamaraming tao na nahawakan naming magkakaibigan bilang event planner. Five hudred guests ang imbitado ngayon, at sa nakikita ko, mukhang halos lahat ng mga imbitado ay nakarating. "Grabe, ang daming invites, ano?" bulong sa akin ni Ricky. "Agree," sagot ko. Nakatayo kami pareho ni Ricky dito sa may gate ng mansiyon ng mga Fuentes. Ina-assist namin ang mga bisita kung saan ang assigned table nila. Sa loon ng tatlumpung minuto ay magsisimula na ang program ng selebrasyon ng birthday ni Nissin. Kampante akong hindi ko makikita ang pamilya Villafuerte ngayon. Sinabi sa akin ni NIssin na hindi sila kumbidado. Hindi ko naman hiniling iyon kay Nissin. Alam ko namang kapag politiko ka, kailangan mong lawakan ang sirkulo ng ginagalawan mo, para s