Oras na ng pananghalian. Kaya hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang pumasok sa pintuan nang tumunog ang door chime. "Hi, babe!" Kitam? Saka lang ako mag-aangat ng tingin kapag narinig ko na ang famous line niya na yun. "Hi, D-- Mayor?" "Shh! Nissin na lang, Jazz. Napakapormal mo naman," nakangiting sabi ng naglalakad na si Nissin sa tabi ni Dos. Inilapag lang ni Dos ang bitbit niya, tapos ay naglakad pabalik sa puwesto ko para halikan ako sa pisngi. "Mag-isa ka lang ngayon dito, babe?" "Ah, nandiyan si Yanna. May binili lang sa labas. Si Ricky at Vanilla naman may ka-meet na client." Apat na lang muna kami na nagpapatakbo nitong event planning business namin, since dinalaw nga ni Sapphire ang biological father niya sa Australia. Ang sabi sa amin ni Sapphire ay may malubha