"Ano pa'ng itinatayo ninyo riyan? Lalamig ang pagkain?" Napalingon kami kay Mr. Pierro na nakaupo na sa kabisera. Buong giliw akong ngumiti sa kanya. "Good evening po, Sir." Seryosong lumipad ang tingin niya kay Dos. Bigla naman akong kinabahan. Hindi yata ako gusto ni Mr. Pierro para sa anak niya. "Ano ba 'tong girlfriend mo, Dos?" pagkatapos ay tumingin siya sa akin, "hindi mo ba siya na-orient na tawagin akong Tito?" ngumiti siya pagkasabi nun. Para naman akong nabunutan ng tini dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sa akin ni Dos. "'Pa! Huwag mong takutin si Jazz." Tumawa lang si Mr. Pierro. Magkahawig na nga sila ni Dos sa itsura, pati ba naman sa pagtawa magkahawig din? "Seat. Maupo na kayong dalawa. Umpisahan na natin ang pagkain. Wala pa ba si Thirdy?"