"'La?" "Bakit, apo?" Kasalukuyan kaming nandito sa mango orchard ng mga Bustamante. Pinapanood namin ang mga trabahador na namimitas ng mga bunga ng mangga, at 'yung mga hinahakot na tiklis-tiklis na mga mangga papunta sa mga trak na maghahatid sa mga buyers. Naupo ako tabi ni Lola Martha, at saka hinawakan ang isang kamay niya. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng iba pang sasabihin ko pa. "Saan po nakalibing si Tito Jazael? Gusto ko po sana siyang dalawin..." Ngumiti sa akin si Lola, at saka hinawakan ang isang pisngi ko. Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko. "Ang bait-bait mo talaga, apo..." Ngumiti ako sa kanya. "Mana kasi sa 'yo 'La." Bahagyang natawa si Lola. "Aba, dapat lang sa akin ka magmana! Hindi doon sa ama mong makitid ang isip!" sabi niya, sabay irap sa