EPILOGUE

2608 Words

[Dos] Pasimple kong pinunasan ang mga luhang sumungaw sa gilid ng mga mata ko. Ayaw kong makita nila akong umiiyak. Lalo na ng apo kong si Jana. Araw ng kasal niya ngayon. At hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak. Kamukhang-kamukha niya talaga si Jazz. Kaya nga isinunod kay Jazz ang pangalan niya - Jazerine Nayeli. Sa lahat ng apo namin, siya ang nakakuha ng itsura ng lola niya. Para tuloy akong bumalik noong panahon ng kasal namin. Habang naglalakad siya ngayon sa gitna papunta sa harap, pakiramdam ko tuloy ako ang groom at si Jazz ang nakikita kong naglalakad sa gitna ng aisle, ang aking bride. "Nagre-reminisce ka na naman, 'Pa." Napangiti ako, sabay lingon kay JC na nasa tabi ko. Tinapik naman ako sa balikat ng manugang kong si Magi, ang asawa ni Marthina. Nakangiting tumango

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD