"Lola, saan ka po pupunta?" Nandito kami ngayon ni Thirdy sa Zaragoza. Bakasyon na kasi sa eskwelahan, at tuwing summer vacation, dito kami sa Zaragoza naglalagi sa bahay nila Mama, sa Hacienda Lopez. "Ah, pupunta lang ako sa kabilang asyenda. Sa Bustamante. Maysakit si Lola Martha mo. Dadalawin ko lang." "Sama na lang kami ni Thirdy, 'La. Wala naman kaming gagawin dito." "Oh, siya. Tara na. Magdala kayo ng pamalit na damit. Baka gusto n'yong maligo sa talon nila doon. Napakalinis ng talon nila doon." "Talaga po, 'La?" "Oo. Pinagmamalaki ng Hacienda Bustamante ang talon na 'yun!" "Sige po, 'La! Susunduin ko lang po si Thirdy sa kuwarto." HINDI nagtagal at nakarating na kami sa mansiyon ng mga Bustamante. Agad na bumukas ang mataas na bakal na gate nito nang makita nung bantay an