Kabanata 39: "Anong namamagitan ang sinasabi mo r'yan? Kung makapagtanong ka naman parang may itinatago kaming relasyon sa inyo!" Iiling-iling na sagot ko kay Morris. Nakakainis na ang pagiging nagger niya. Parang boyfriend ko siya kung makaasta. Ayaw ko nang ganito, hindi ako sanay na may nang-iintriga sa akin lalo na at sa loob ng ilang taong nabubuhay ako, wala namang nangganito sa akin dahil si Ate Sol, kung may itanong man siya o pagalitan man niya ako, hindi ganyan ka-walanghiya. "May gusto ka ba sa kaniya?" mapait na tanong niyang muli. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka ikinrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib ko. He was looking at me intently, as in parang wala siyang balak na bumitiw sa titig niya hangga't hindi ako sumasagot nang maayos sa tanong niya. "Paano kung