Kabanata 38: He was there whenever I need him. At iyon ang naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya. Hindi ko alam kung totoo ba itong nararamdaman ko lalo na at alam kong tumutulong ang mga ninuno ko para paglapitin kami sa isa't isa. Funny how they can do that, hindi naman sila si kupido para magawa iyon pero nagawa pa rin nila. Nakailang buntonghininga na ako habang nakatitig sa likod ni Rayven. Abala siya sa pagpapakain ng mga aso. Isang linggo na ang mga asong iyan dito sa bahay pero hanggang ngayon ay takot pa rin akong pakainin sila. Hindi kasi sila mapapakain ngayon ni Ate Sol dahil wala siya, kinailangan niyang umalis para magreview sa nalalapit niyang exam. Naaawa nga ako sa kaniya dahil pinagsasabay niya ang bakery at ang pag-aaral pero sabi niya ayos lang naman daw. "