KABANATA 3:

1244 Words
Kabanata 3: Halos isang oras na akong nakatitig sa salamin. Mula sa matingkad na kulay dilaw na demonyo sa aking likuran, unti unti na itong nag-f-fade. Siguro dahil iba na ang iniisip ko at hindi ko na masyadong pinag-aaksayahan ng oras ang pagkainggit sa iba. Kanina, para akong tangang bumalik sa bakery bitbit ang halos wala nang lamang pang-limang kilong sako ng asin. Sumabit kasi iyon sa pader na may nakausling bakal nang tumakbo ako sa masikip na eskinita. Nagtaka sila Bella pero nagdahilan na lang ako at inutusan na lang si Marlon na siya na muna ang bumili. Ang tanga ko rin kasi. Alam ko nang ganoon ang mangyayari, na matataranta ako sa mga taong makakasalamuha ko dahil sa mga demonyong mayro'n sila pero sumige pa rin ako. Bakit nga ba hindi ko naisip na si Marlon na lang ang bumili? Si Bella at Marlon. . . dating mayroon din silang mga demonyo sa likuran noong una ko silang nakilala. Pero unti unti na iyong naglalaho. . . Una ko talagang nakilala noon iyong kauna-unahang panadero ko sa Bakery. Bukod sa mga may attitude na panaderong nabanggit ko na. Si Mang Ferdinan. Mabait siya, totoong mabait. Mayroong demonyong gustong lumapit sa kaniya ngunit tila may protective shield si Mang Ferdinan na pumuprotekta sa kaniya mula sa demonyong gusto siyang lapitan. Hindi ko naiwasang itanong 'yon sa kaniya, kung paano. Kaya natuklasan niya ang itinatago kong abilidad. "P-paano pong hindi nakakalapit sa iyo ang demonyo? Hindi po ba kayo tao? Anghel po ba kayo?" Hindi ko napigilang tanong. Gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha. At saka ko lang na-realize ang sinabi ko. Bigla akong kinabahan. Kasi paano na kung malaman niyang may ganito akong kakayahan? Baka iwanan niya ako. Masarap pa naman siyang magluto ng tinapay! Ngunit imbes na husgahan, ngumiti siya sa akin. Isang matamis na ngiti sabay tapik sa aking balikat. "Iha, kasama ko ang Diyos palagi. Tanggap na tanggap ko siya sa puso ko kaya hinding hindi ako malalapitan ng masasamang nilalang." Bago ko pa man naitanong sa kaniya kung paano niya nagagawa iyon, sumakabilang buhay na si Mang Ferdinan. Inatake siya sa puso sa edad na 70 anyos. Kamuntikan pa nga akong sisihin ng mga anak niya dahil pumayag pa akong pumasok ang kanilang ama sa Bakery ko kahit na matanda na. Sunod kong nakilala si Bella Rosario. Hindi ko makakalimutan iyong gabing 'yon. Katulad na katulad ko si Bella, mayroon siyang matingkad at kulay dilaw na usok sa likuran. Gusgusin pa si Bella noon. Palaboy siya dahil wala ng mga magulang at mag-isa na lang sa buhay. Hindi rin siya legal age, 17 pa lang. Balak niyang magnakaw ng tinapay sa Bakery ko. Alam ko kasi nakita ko siyang nakatingin sa isa sa mga costumer ng Bakery habang kumakain ito. Takam na takam siya at naiinggit sa kumakain. Noong mga oras na 'yon, pansamantala akong natigilan. Naisip ko na ma-swerte pa pala ako dahil kahit papaano'y may iniwan sa aking yaman ang mga magulang ko. Kahit na humantong sa ganitong sitwasyon. . . nakarating pa rin ako sa kinatatayuan ko, hindi katulad niya. Nagpanggap akong hindi ko siya nakitang pumasok. Pero ang totoo, nasa likod lang ako ng counter. Tahimik na pinagmasdan ko siya mula sa maliit na siwang habang nagmamasid sa mga tinapay. Naririnig ko ang bulong ng demonyo sa kaniyang likuran. "Dalian mo, kumuha ka na bago ka maabutan ng may-ari! Gusto mo 'yan hindi ba? Kunin mo na!" Kitang kita ko kung paano niya pigilan ang sarili niya. Na huwag gawin. . . Siguro'y halos sampung minuto siyang kinukumbinse ng demonyo sa kaniyang likuran bago ako nakulitan at lumabas sa aking pinagtataguan. "Nagugutom ka na ba?" Nginitian ko siya. Gulat at halata ang nerbyos sa kaniyang mukha nang makita niya akong sumulpot sa kaniyang likuran. Nakita ko rin ang panginginig ng kaniyang labi at kung paano nangilid ang kaniyang luha. "P-pasensya na p-po. W-wala po akong p-pambili. . . A-alis na po a-ako. . ." Halos hindi na makapagsalitang sabi niya. Tatalikod na sana siya pero dumampot ako ng isang supot ng tinapay at hinawakan ang kamay niya para ilagay iyon doon. Muli akong ngumiti. Nakita ko ang pagtataka at pangamba sa kaniyang mukha nang gawin ko iyon. "Bumalik ka rito bukas, mag-usap tayo," ani ko. Doon na iyon nag-umpisa. Tinulungan ko si Bella hanggang sa naging kaibigan ko na siya at empleyado. Si Marlon Tesorero naman, nakita ko siyang desperadong naglalakad sa daan, palinga linga. Naghahanap ng papasukang trabaho. Wala na siyang pera noong panahong 'yon at nakikita kong inuutusan na siya ng demonyo sa likuran niyang magnakaw. Tutal, e, si Bella pa lang naman at iyong bagong panadero ko ang mayro'n sa Bakery ko. Hinatak ko siya bigla. Gulat na gulat pa nga siya 'non, e. "Huwag kang magnakaw, halika sa Bakery ko at doon ka magtrabaho." Bumuntonghininga ako at saka umalis sa harap ng salamin. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at saka pumikit. . . Dalawang magkaibang tao ang nakilala ko ngayong linggo. Si Morris, ang taong walang nakaaligid na demonyo at iyong lalaking nakasalubong ko sa eskinita. . . Iyong lalaking may pinakamatingkad at itim na itim na demonyong nakilala ko sa buong buhay ko. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang katok ni Ate Sol. "Erzae, may nag-a-apply na sa trabahong hardinero!" Bumangon kaagad ako. Kailangan ko na talagang makahanap ng hardinero kasi hindi marunong si Ate Sol na mag-ayos ng hardin na naiwan ni mama. Ako naman, wala ng oras para doon. Ayoko namang masira iyon, e, 'yon na nga lang ang iniwan na alaala sa akin ni mama. "Sige ate, huwag mo na munang papasukin. Hintayin mo ako." Mahirap na. "Okay." Nang makalabas ako ng bahay, naabutan ko si Ate Sol na nakikipag-usap sa sinasabi niyang nag-a-apply na hardinero. "Oo, hindi kaagad nagtitiwala ang amo ko kaya pasensya na talaga," ani Ate Sol. "Ayos lang, naiintindihan ko po." Lumapit ako at tinapik si Ate Sol kaya lumingon siya sa akin. Si Ate Sol sana ang una kong papansinin ngunit hindi ako makapaniwala nang makaharap ko iyong nag-a-apply na hardinero. . . Hindi siya nagulat nang makita niya ako. Mukhang hindi niya ako namumukhaan. Ilang beses akong napalunok nang makita ang itim na itim na usok sa kaniyang likuran. Unti unti akong naglakad palapit sa kaniya. Ang buhok niya, nakatali pa rin. Ngayon ko lang nasilayan nang husto ang itsura niya. Iyong peklat sa mukha niya, siguro'y malalim iyon 'nong nasugatan. Ang mga mata niya, malamlam na tila ba palaging inaantok at pagod. Matangos ang ilong at makurba ang labi. Tanned rin ang kulay ng balat niya at tama ang pangangatawan para sa taong banat sa trabaho. Nang mas makalapit sa kaniya, tuluyan kong nasilayan ang demonyong meron siya. "Magandang hapon po, ma'am. Pasensya na po kung hapon na ako dumating. Inasikaso ko pa po kasi ang bunso kong kapatid." Ngumiti ito sa akin. . . Nakapagtataka dahil totoo ang ngiti niya. Hindi ko siya sinagot. Pilit kong pinakinggan ang demonyong nasa likuran niya. "Ang laki ng bahay, mukhang maraming pwedeng nakawin. Ano kaya?" Lumikot ang isip ko. Paano kaya kung papasukin ko ang masamang taong ito at obserbahan ko? Kaya lang baka naman patayin ako nito! Pero mas lalo siyang ngumiti sa akin. Totoong totoo ang ngiti niya, walang halong ka-demonyohan. Ngumisi ako. Inisip ko na kung anong gagawin ko kapag naisipan niyang magnakaw. "Sige, tanggap ka na." . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD