Kabanata 15: Pagkapasok ko sa bakery, unang hinanap ng mga mata ko si Bella. Ngunit si Morris at Marlon lang ang naabutan ko. Doon na ako nagsimulang kabahan. Kung sakali mang ma-l-late siya o kaya ay hindi siya papasok, ito ang unang pagkakataong mangyayari iyon. "Si Bella?" tanong ko kay Marlon. Hindi ko na inabala pang tingnan si Morris o maging siya ay tanungin dahil hanggang ngayon ay inis pa rin talaga ako sa sinabi niya kagabi. Hindi ako natuwa sa katwiran niya kaya ayaw niyang tumulong. "Hindi ko rin po alam, ma'am. Baka po na-late lang ng gising." Nagkibit-balikat siya at saka humigop sa tasa ng kapeng hawak niya. Tumango na lamang ako, baka nga. Hindi naman kasi pwedeng palagi siyang maaga kung pumasok, kung minsan magkakaroon talaga ng ganitong pagkakataon. Papasok na sana